Buhay Doha, buhay paglilingkod! my experience...


After several seasons in deep hibernation whew!!! 2 or 3 years since i started to blog something and walla naconceived nga itong blog na'to. And after several seasons of attempts to update some post but ngayon lang nagkalakas loob to do it! its a big step for me.. hehehe.. Hindi naman lingid sa karamihan on how our family involvement in the ministry. A ministry na paglilingkod sa ating Panginoon. Well actually its not the country nor the people na naculture shock ako when im just a newbie here in Qatar seven years ago, but how i truly amazed on His people working beyond their secular jobs. Kumbaga sa mga nakasama kong mga elders and leaders of this church nakita ko ang init ng paglilingkod, At higit sa lahat nakita ko ang mga kalagayan ng ilan sa mga grupo ng ating mga kababayan at pangangailangan na sa mga panahon na tulad nito specially sa lugar ng disyerto there's still of hope of much greener pasture which is the word of God. I do remember our head pastor during that time, darating ang araw ikaw at kayo naman ang magpapatuloy ng mga gawain. Be equipped first, equipped of what? Experience! your own experience. Masarap maishare ang mga sariling karanasan on how God works on you and most of all paano mo napagtagumpayan ang mga pagsubok, mga problema, kasiyahan atbp. Kaya nais kong ibahagi ang ilan sa mga karanasan namin sa paglilingkod.

Ambitious self desire, right after graduation that was 2004 yan ang laman ng aking puso't isipan. To land a high paying job, sa mga kabataan tulad ko at sa mga bagong graduate natural lang naman maghangad ng mga ganun bagay kumbaga its our goal. Lagi sinasabi sa akin ni Dad, pagkagraduate mo tuloy ka na kaagad dito, kaya expected ko na makakapunta ako kaagad dito at siyempre sa wakas makakasama ko na sina Dad at ang family ng araw araw, dati rati kasi every other year lang kami nagkikita at nagkakasama. Around June, when i took my first international flight as expected kausbungan ng kainitan sa Middle East. Natanong ko sa sarili ko, paano nakatagal ang mga sinaunang mga tao sa kalagayan ng ganitong init sa lugarin ito. Ang init sa labas! , kinabukasan ng gabi may jetlag pa ako, sinama kaagad ako nina Dad sa kanilang gawain, sabi ko gawain saan? may pupuntahan tayong grupo ng mga kababayan. Ah i see, excited kasi first time to tour around the city and to meet kababayans is exciting..hehehe
Yun pala mag BS or Bible Study, nakita ko kaagad ang kaibahan sa tinutuluyan namin bahay sa lugar na pinuntahan namin. Yes, grupo ng mga mangagawa ng isang lokal na kumpanya dito. Nakabumped ni Dad sa money exchange ng magpadala siya ng monthly remittance sa Pilipinas. Sa isang kuwarto ng ating mga kababayan, Matar Qadeem or Old Airport hindi masyado malayo sa may Jaidah Tower kung saan malapit kami nakatira that time, nagsisiksikan sa isang maliit na kuwarto ang mga walong katao, halos wala na kami madaraanan pero natuloy pa rin ang Bible Study. Dun sa unang pagkakataon nakita ko sa kanila ang kasabikan sa pag-asa na kahit sa kabila ng hirap, init at pagod. Sa unang pagkakataon, kinalibutan ako at tunay na nakita ko ang realidad ng isang pagpapagal ng isang ordinaryong OFW na nagtitiis para sa kinabukasan ng kanilang pamilya sa Pilipinas. And nakita ko pagkayari ng gawain ang effort nila na naghanda pa ng isang munting salo salo bilang hapunan, at puno ng pasasalamat sa pagpunta namin sa kanila time. Deep inside, im very thankful kay Lord sa unang karanasan na yon, Kaya kinabukasan which is thursday, sabi ni Dad get ready we will be heading sa isang lugar sa AL KHOR. may kalayuan sa city proper mga around 40 0r 50 km. Ganun din ang aming naabutan, mga masasayang ngiti ng ating mga kababayans. Suddenly changed yung self desire ko dati naging secondary na lang, nagkaroon ako ng desire na maglingkod sa kanya, be involved in the ministry. And dami kong karanasan, masasabi kong hindi naging madali pero masaya ako dahil alam ko in the end just remain faithful may greater glory ibibigay si Lord. Alam nyo bang almost 1 year din ako walang permanent work. My resume doesn't say anything aside from im graduated as Bachelor of Science in Computer Science and supporting evidence is my Diploma, they said you dont have any work experience and your too young. That time i admit i was in a terrible situation parang its now or never situation, sabi ko Lord ayoko umuwing talunan ng walang nangyayari. Idagdag pa ang pangangailangang financial, in that time before your temporary business visa renewed kailan mo lumabas ng ibang bansa. If im already a privilege club holder that time, dami ko na air miles points at constant visitor ng Bahrain hotel. Salamat sa mga tumulong lalo na aming pastor, na sobrang ginamit ni Lord para maisayos ako dito. And eventually, i got this company, wherein nakapagbakasyon muna ako before i officially join, malalaman mo ang God's will pag smooth sailing lahat, wala na kami ginastos lahat sagot ng kumpanya. By the grace of God, now im counting few months to go i'll celebrate my 6 years in the company. Thank you Lord.

In the midst of that season sa aking buhay, tuloy lang sa mga gawain halos naikot ko na ata ang mga ibat-ibang gawain, well aside from preaching in one of the friday service. I think i need a lot of courage to do that, hehehe
Madami akong natutunan, our life doesnt end after 6pm or after work, there's another life to face and responsibilities to take. And God will bless you, will restore your strength, ni hindi mararamdaman ang pagod.


Larawan sa itaas kuha ng isang group ni Dad sa mga kababayan natin nagwowork sa CDC, sana pala mayroon na ako camera during the year of 2004. Anyways yung mga experience ko na yun are always remembered, nakatatak na sa akin.hehehe



Trust in the Lord with all your heart; do not depend on your own understanding. Seek his will in all you do, and he will direct your paths.”
(Proverbs 3:5-6 NLT)
In order to make significant changes in your life – to reach the goals that lead to those significant changes – you must depend on God's power and you must get others to partner with you.

Before tayong magtapos nais ko ishare muli sa inyo ang isang video, na ishare ko na sa facebook,
worship song ' Servant Heart' by CHC






Maraming Salamat
GOD BLESS







1 Response to "Buhay Doha, buhay paglilingkod! my experience..."

  1. Esoy1216 Says:

    congrats! meron ka ng pagkakaabalahan ngayon to tell ur stories about qatar. now lng ako napadpad dito ah, pagbutihin mo gerry at sumali ka this year sa peba, mukhang marami kng time to blog coz kaharap mo lagi computer sa ofis mo. maganda itong simula at ang ganda ng kwento mo. kakainggit nga dyan merong ganyang gawain. sana ako meron din time to update my blog lagi busy kase. sana damihan mo pa posts mo para dumami pa fans mo hehe....gudluck!

Post a Comment

Pages